
Ipinahayag ni House Justice Committee Chairperson Gerville Luistro na dapat maisama na sa order of business ng plenaryo ng Kamara ang apat na impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte hanggang March 4, 2026.

Personal na nagsagawa ng ocular inspection si Naga City Mayor Leni Robredo sa ilang flood-prone areas sa syudad bilang paghahanda sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tiniyak ni House Speaker Faustino Bojie Dy the Third na tututukan at seryoso ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagpapasa ng aniya’y ‘makatwirang’ batas kontra political dynasties.
Sa harap ito ng panawagang makapagpasa ng batas laban sa dinastiya bago ang eleksyon sa 2028.

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng iba’t ibang ahensya para sa gagawing Trillion Peso March sa February 25
Mariin ding paalala ng mga awtoridad na bawal magsagawa ng rally sa EDSA partikular sa EDSA Shrine na babantayan naman ng mga tauhan ng Eastern Police District.

Inihayag ni Sen. Erwin Tulfo na wala syang planong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na 2028 elections sa kabila ng umano’y ‘clamor’ sa kanyang kandidatura.
Kaugnay nito ay may suhestyon ang Senador sa posibleng maging running mate ni dating Vice Pres. Leni Robredo sa pampanguluhang halalan.