Sisimulan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Miyerkules, April 8, ang payout ng cash relief assistance para sa mga tricycle driver sa mga pangunahing lungsod sa bansa.
Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, ilalabas ng ahensya ang detalye sa mga itatalagang payout centers at schedule ng pamamahagi ng ayuda.






















