Saving lives is not just a duty for us, but a lifetime commitment.
Tulong Muna Bago Balita is UNTV’s public service initiative that puts people first.
During accidents and emergencies, we prioritize immediate assistance over news coverage.
It reflects the network’s core value of placing human life and safety above all else.


Nakiusap ang isang residente sa Brgy. Pinsao, Baguio City sa UNTV News and Rescue na madala ang kanyang asawa na stroke patient sa ospital. Agad namang rumesponde ang rescue team at inihatid ang pasyente nang ligtas.

Isang lalaking nahirapang huminga ang isinugod sa ospital matapos bumaba ang kanyang oxygen level.
Agad na tumugon ang UNTV News and Rescue sa hiling na patient transport upang maagapan ang kalagayan ng pasyente.

Sugatan ang isang food delivery rider matapos makabanggaan ang isa pang motorcycle rider sa Caloocan City.
Agad namang nakasaklolo ang UNTV News and Rescue team na naka-duty sa rescue base malapit sa pinangyarihan ng aksidente.

Sumailalim sa basic life support refresher training ng UNTV News and Rescue ang mga estudyante ng La Verdad Christian College sa Apalit, Pampanga.
Kasama sa kanilang natutuhan ang pagbibigay ng basic first aid.

Isang rider sa Bacolod City ang hinihinalang nagtamo ng deformity sa kanyang balikat matapos ma-out balance ang minamanehong motorsiklo.
Agad namang nagtungo ang UNTV News and Rescue Team sa lugar ng insidente bilang tugon sa tawag ng City Disaster Risk Reduction and Management Office upang maglapat ng paunang lunas.