Saving lives is not just a duty for us, but a lifetime commitment.
Tulong Muna Bago Balita is UNTV’s public service initiative that puts people first.
During accidents and emergencies, we prioritize immediate assistance over news coverage.
It reflects the network’s core value of placing human life and safety above all else.


Isang rider sa Bacolod City ang hinihinalang nagtamo ng deformity sa kanyang balikat matapos ma-out balance ang minamanehong motorsiklo.
Agad namang nagtungo ang UNTV News and Rescue Team sa lugar ng insidente bilang tugon sa tawag ng City Disaster Risk Reduction and Management Office upang maglapat ng paunang lunas.

Sugatan ang isang babae sa Bacolod City nang makipag-agawan ng kutsilyo sa kapitbahay.
Tumugon ang UNTV News and Rescue team sa tawag ng awtoridad upang mabigyan ng paunang lunas ang biktima.
Samantala, tinulungan din ng UNTV News and Rescue ang isang mototaxi rider nang mabangga ng SUV sa isang intersection sa Caloocan City.

Ilang pulis sa Lanao del Norte ang natulungan na matiyak ang estado ng kanilang kalusugan sa ginanap na medical mission doon.
Anila, dahil on-call ang kanilang trabaho, hindi sila agad nakakapatingin, maging ang kanilang pamilya.

Isang rider sa Bacolod City ang aksidenteng nabangga ang isang nakaparadang delivery truck dahil nakaidlip daw siya habang nagmamaneho.
Tumugon naman ang UNTV News and Rescue upang bigyan ng first aid ang sugatang rider.

Hinangaan ng netizens ang mga estudyante ng isang paaralan sa Baguio City dahil sa pagiging kalmado kahit pa lumilindol.
Upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa pagtugon sa oras ng sakuna, sumailalim ang mga ito sa isang modified training ng UNTV News and Rescue sa kahilingan ng kanilang school principal.