Saving lives is not just a duty for us, but a lifetime commitment.
Tulong Muna Bago Balita is UNTV’s public service initiative that puts people first.
During accidents and emergencies, we prioritize immediate assistance over news coverage.
It reflects the network’s core value of placing human life and safety above all else.


Sugatan ang isang rider matapos sumemplang ang minamaneho nitong motorsiklo sa Sorsogon City pasado 6:00 p.m.
Agad namang rumesponde ang UNTV News and Rescue at binigyan ng paunang lunas ang biktima.

Binigyang-diin ni Kuya Daniel Razon ang 15 taong serbisyo ng UNTV News and Rescue, mula sa pagtugon sa aksidente, pagbibigay ng first aid, hanggang sa rescue operations sa bagyo, baha, at lindol.
Dagdag pa ng founder at chief ng UNTV News and Rescue, mahalaga ang maagang paghahanda, libreng training sa first aid, at ang pagmamalasakit sa kapwa bilang pangunahing adbokasiya ng team.

Tunghayan ang mga mahahalagang pangyayari sa ating pagresponde sa pangalan ng Tulong Muna Bago Balita.

Tumugon ang UNTV News and Rescue sa isang vehicular accident na kinasangkutan ng isang van sa Davao City kamakailan.
Kasama ng grupo ang Central 911 sa agarang pagtulong at pagresponde sa sugatang biktima.

Isang lalaki na nadulas sa Trancoville, Baguio City ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue team matapos makatanggap ng tawag mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO.