Sa pakiusap ng kanyang mga kaanak, isang senior citizen na namimilipit sa sakit ng kanyang tagiliran ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa Cagayan de Oro City.
Umalalay ang team sa transportasyon ng pasyente upang siya ay madala sa ospital at makapagpatingin sa kanyang kondisyon.

























