Nagpapatuloy ang hakbang ng pamahalaan upang mapauwi ang mga Pilipinong naipit sa kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Kaugnay nito, sinimulan na rin ang paglalatag ng mga programa at aktibidad bilang opsyon sa mga repatriate, kabilang ang oportunidad sa trabaho, negosyo, at pagsasanay habang sila ay nasa bansa.






















