Mariing ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa sa buong Metro Manila.
Kabilang sa tututukan ang pagbabawal sa inuman sa kalsada at videoke na umaabot hanggang madaling araw, gayundin ang istriktong pagpapatupad ng curfew para sa mga menor de edad.






















