Isinusulong sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay ng direktang tulong sa mga manggagawa at maliliit na negosyante, na target ipasa sa pamamagitan ng isang special session.
Layunin nitong agad matulungan ang sektor na apektado ng patuloy na hamon sa ekonomiya.
Samantala, hinikayat ng isang kongresista ang Light Rail Management Corporation at Department of Transportation na magpatupad ng 50 percent discount sa pamasahe sa LRT Line 1 upang mabawasan ang gastos ng mga commuter.






















