Itinanggi ng House Justice Committee panel na minadali nila ang pagpatay sa impeachement complaints laban kay Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay matapos na ideklara ng komite na ‘insufficient in substance’ ang impeachment complaints na inihain nina Atty. Andre de Jesus, Makabayan President Liza Masa at iba pang progresibong grupo.






















