Suportado ng ilang grupo ang panawagan na ideklara bilang persona non grata ang ilang opisyal ng Chinese Embassy sa bansa dahil sa patuloy na pakikipagpalitan ng patutsada sa ilang opisyal ng gobyerno ng Pilipinas.
Lumabas naman sa isang survey na nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipino na itinuturing ang China bilang pinakamalaking banta sa seguridad ng bansa.






















