Back

UNTV News and Rescue

1:09
Politics

Panibagong cyberlibel complaint, inihain laban kay Cavite Rep. Barzaga

January 20, 2026 9:16 PM
PST

Naghain ng cyberlibel complaint si House Deputy Speaker at Antipolo 1st District Rep. Ronnie Puno laban kay Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga sa Office of the City Prosecutor sa Antipolo.

3:56
Politics

Discaya couple, dapat harapin na lang ang kaso at ibalik ang ninakaw na pera ng bayan – Sec. Dizon

January 20, 2026 9:16 PM
PST

Tinawag ni contractor Curlee Discaya na tila “modern-day na pagnanakaw” ang umano’y pag-o-obliga sa kanilang mag-asawa na magsauli ng pera bilang kondisyon para mapasama sa Witness Protection Program (WPP).

Agad itong pinabulaanan ng Department of Justice, at iginiit na may malinaw na proseso at legal na batayan ang pagpapatupad ng WPP.

Samantala, mariing tinuligsa ng iba pang ahensya ng gobyerno ang pahayag ni Discaya kaugnay ng isyu.

7:35
Politics

Ex-Sen. Revilla, nagpiyansa sa kasong graft pero mananatiling nakakulong sa kasong malversation

January 20, 2026 9:13 PM
PST

Humarap kaninang umaga sa Sandiganbayan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla matapos siyang kusang sumuko sa mga awtoridad kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanya.

Pinayagan ng korte na makapagpiyansa si Revilla sa kasong graft, ngunit nananatili siyang nakakulong dahil sa hiwalay na kasong malversation na may kaugnayan sa umano’y flood control scandal.

2:12
Politics

May due process sa pagpapanagot sa mga sangkot sa flood control anomaly - Palasyo

January 20, 2026 9:12 PM
PST

Iginiit ng Palasyo na may sinusunod na due process sa pagpapapanagot sa mga sangkot sa flood control projects anomaly.

Ito ang binigyang-diin kasunod ng pagsuko ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla matapos ilabas ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng umano’y ghost project sa Pandi, Bulacan.

Ayon sa Malacañang, mananagot ang lahat ng sangkot sa isyu, kahit pa sila ay kaalyado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

4:40
Politics

Ex-Sen. Bong Revilla, hindi bibigyan ng special treatment – DILG

January 20, 2026 9:12 PM
PST

Sumuko na kagabi sa Philippine National Police si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanya.

Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na walang matatanggap na special treatment ang dating mambabatas at paiiralin ang pantay na pagpapatupad ng batas.