Humarap kaninang umaga sa Sandiganbayan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla matapos siyang kusang sumuko sa mga awtoridad kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanya.
Pinayagan ng korte na makapagpiyansa si Revilla sa kasong graft, ngunit nananatili siyang nakakulong dahil sa hiwalay na kasong malversation na may kaugnayan sa umano’y flood control scandal.






















