
- Sumukong dating Sen. Bong Revilla, dinala na sa Sandiganbayan
- Cong. Adiong: Reklamong impeachment vs. PBBM, kulang sa ebidensiya, paghahain ng impeachment complaint vs VP Sara, tinawag namang ‘fund raising’
-Laman ng kumpirmadong dokumento na hawak ni Cong. Leviste, ilalahad sa susunod na Senate hearing

Nanawagan si Japanese Prime Minister Sanae Takaichi ng snap election kasabay ng pagbuwag ng parlyamento. Nakatakdang ganapin ang snap election sa February 8

Inimbitahan si Russian President Vladimir Putin na sumali sa US-led Board of Peace na pinamumunuan ni US President Donald Trump, na layong resolbahin ang mga pandaigdigang digmaan at pangasiwaan ang reconstruction at governance sa Gaza strip sa Palestine.

Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) na posibleng bumagsak sa Pilipinas ang rocket debris ng China.
Ayon sa PhilSA, maaaring bumagsak ang rocket debris sa bahagi ng Puerto Princesa sa Palawan o sa Tubbataha Reefs Natural Park.

Tinawag na fundraising ni Vice President Sara Duterte ang banta ng panibagong impeachment complaint na ihahain laban sa kaniya sa House of Representatives. Inaasahan na aniya niya ang paghahain ng panibagong impeachment complaint laban sa kaniya.