Iginiit ng Palasyo na may sinusunod na due process sa pagpapapanagot sa mga sangkot sa flood control projects anomaly.
Ito ang binigyang-diin kasunod ng pagsuko ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla matapos ilabas ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng umano’y ghost project sa Pandi, Bulacan.
Ayon sa Malacañang, mananagot ang lahat ng sangkot sa isyu, kahit pa sila ay kaalyado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.






















