Sumuko na kagabi sa Philippine National Police si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanya.
Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na walang matatanggap na special treatment ang dating mambabatas at paiiralin ang pantay na pagpapatupad ng batas.






















