Naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino na ang Estados Unidos at iba pang kaalyadong bansa ang pinakamalaking maaasahan ng Pilipinas sa paggiit ng karapatan nito sa West Philippine Sea.
Batay sa survey, mas pinipili ng publiko ang mga bansang gumagalang sa international law at sumusuporta sa soberanya ng bansa, lalo na sa harap ng tumitinding agresibong paggiit ng China sa nasabing teritoryo.






















