Back

UNTV News and Rescue

0:56
Politics

NBI, wala pang natatanggap na Red Notice kay Ex-Rep. Zaldy Co

January 20, 2026 9:32 PM
PST

Wala pang natatanggap na Red Notice ang National Bureau of Investigation kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Ayon kay NBI spokesperson Palmer Mallari, batay ito sa pakikipag-ugnayan ng NBI sa International Criminal Police Organization (Interpol).

3:05
Politics

Impeachment complaint vs PBBM, tinawag na basura

January 20, 2026 9:28 PM
PST

Tinawag ni House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice na “basura” ang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil ayon sa kanya, nakabatay lamang ito sa news articles.

Naniniwala rin ang ibang lider sa Kamara na hindi uusad ang reklamo.

2:37
Politics

Impeachment complaint vs. PBBM, hindi maganda sa ekonomiya – Palace

January 20, 2026 9:24 PM
PST

Pinabulaanan ng Malacañang na ang administrasyong Marcos ang may pakana sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sinasabing layong ilihis ang atensyon ng publiko sa iba pang isyu.

Nagbigay rin ng pahayag ang Palasyo tungkol kay Presidential Son at House Majority Leader Sandro Marcos, na anila’y nalalagay sa mahirap na sitwasyon dahil sa reklamo laban sa kanyang ama.

1:39
Politics

DPWH Sec. Dizon, kumpiyansa sa mga ebidensya vs 9 akusadong DPWH officials sa Oriental Mindoro

January 20, 2026 9:23 PM
PST

Naniniwala si DPWH Secretary Vince Dizon na malalakas ang nakalap na ebidensya laban sa 9 na akusadong opisyal ng pamahalaan na sangkot sa umano’y substandard na flood control project sa Oriental Mindoro na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P289.5-M.

3:43
Politics

NBI, kumpiyansa na mahuhuli ng mga awtoridad si Atong Ang

January 21, 2026 9:37 AM
PST

Mataas ang kumpiyansa ng National Bureau of Investigation na mahuhuli ng mga awtoridad ang negosyanteng si Atong Ang, na itinuturing na ring most wanted person sa bansa kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.

Samantala, naniniwala rin ang NBI na hindi pa nakalalabas ng Pilipinas ang nagtatagong suspek.