Pinabulaanan ng Malacañang na ang administrasyong Marcos ang may pakana sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sinasabing layong ilihis ang atensyon ng publiko sa iba pang isyu.
Nagbigay rin ng pahayag ang Palasyo tungkol kay Presidential Son at House Majority Leader Sandro Marcos, na anila’y nalalagay sa mahirap na sitwasyon dahil sa reklamo laban sa kanyang ama.






















