
- Pagpapakulong kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Quezon City Jail Male Dormitory, ipinagutos ng Sandiganbayan
- Pahayag ni Curlee Discaya na tila ninanakawan sila sa laki ng halagang ipinasasauli para mapasama sa Witness Protection Program, tinuligsa ni DPWH Sec. Vince Dizon
- Impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tinawag na basura ng isang House Senior Deputy Minority Leader

Aprubado na sa mababang kapulungan ng parliyamento ng Australia ang panukalang batas para sa mas mahigpit na gun control, isang buwan matapos ang madugong pamamaril sa Bondi Beach.
Kabilang sa mga probisyon ng batas ang pagpapatupad ng national gun buyback program at mas istriktong pagsusuri sa aplikasyon ng firearm license, bilang tugon ng pamahalaan sa naganap na trahedya.

Sa pagbubukas ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland, nananatili ang tensyon sa pagitan ng ilang bansa sa Europa at United States kasunod ng banta ni dating U.S. President Donald Trump na magpataw ng taripa, kaugnay ng isyu sa pag-angkin sa Greenland.
Usap-usapan din ang posibleng pagganti ng European Union sa naturang tariff threat, na ayon kay U.S. Treasury Secretary Scott Bessent ay hindi magiging magandang hakbang para sa EU at maaaring magpalala ng umiiral na sigalot sa kalakalan.

Nakukulangan ang ilang miyembro ng Senate Minority Bloc sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng mga maanomalyaang flood control project.
Naglabas din ang ilang miyembro ng minorya ng tinaguriang minority report na naglalaman ng mga posibleng paglabag sa batas ng mga sangkot sa flood control scandal.

Ipinaliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang pag-ulan ng abo sa Daraga at Legazpi City sa Albay ay dulot ng paggulong ng mga bato mula sa bunganga ng bulkan, kasabay ng pyroclastic density current.
Ayon sa PHIVOLCS, posibleng senyales ito ng panibagong pag-akyat ng magma na maaaring magdulot ng mas malakas na aktibidad ng Mt. Mayon.