Ipinaliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang pag-ulan ng abo sa Daraga at Legazpi City sa Albay ay dulot ng paggulong ng mga bato mula sa bunganga ng bulkan, kasabay ng pyroclastic density current.
Ayon sa PHIVOLCS, posibleng senyales ito ng panibagong pag-akyat ng magma na maaaring magdulot ng mas malakas na aktibidad ng Mt. Mayon.






















