Aprubado na sa mababang kapulungan ng parliyamento ng Australia ang panukalang batas para sa mas mahigpit na gun control, isang buwan matapos ang madugong pamamaril sa Bondi Beach.
Kabilang sa mga probisyon ng batas ang pagpapatupad ng national gun buyback program at mas istriktong pagsusuri sa aplikasyon ng firearm license, bilang tugon ng pamahalaan sa naganap na trahedya.






















