Sa pagbubukas ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland, nananatili ang tensyon sa pagitan ng ilang bansa sa Europa at United States kasunod ng banta ni dating U.S. President Donald Trump na magpataw ng taripa, kaugnay ng isyu sa pag-angkin sa Greenland.
Usap-usapan din ang posibleng pagganti ng European Union sa naturang tariff threat, na ayon kay U.S. Treasury Secretary Scott Bessent ay hindi magiging magandang hakbang para sa EU at maaaring magpalala ng umiiral na sigalot sa kalakalan.





















