Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na dapat nang matigil ang mga maanomalyang flood control projects.
Naniniwala rin ang pangulo na walang mangyayaring cover-up sa ginagawang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure.