Inaprubahan ng House Committee on Tourism kahapon, February 23, ang panukalang batas na nagsusulong para alisin ang travel tax.
Kabilang ang panukalang batas na ito sa mga isinusulong ng Marcos administration kung saan si Presidential Son, House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos ang isa sa mga author.






















