Ayon sa Iran, wala nang dapat pag-usapan pa sa pagitan nito at Estados Unidos. Sinabi ni Iranian Deputy Foreign Minister Kazem Gharibabadi na buo ang desisyon ng kanilang bansa na igiit ang mga karapatan nito sa Strait of Hormuz.
Kasunod nito, inihayag ni U.S. President Donald Trump na hindi na niya pipigilan ang planong pag-atake sa Iran, kabilang ang mga tinawag niyang "ultimate targets" gaya ng mga tulay at oil facilities.





















