
- Detalye ng panenermon umano ni PBBM kay ex-Speaker Romualdez, inihayag ni Rep. Toby Tiangco
- Pasaporte nina Atty. Harry Roque, Cassandra Li Ong at 3 iba, kinansela ng Pasig RTC; Roque, aapela
- Klase sa malaking bahagi ng bansa, suspendido ngayong Nov. 25 dahil sa Bagyong Verbena

Pinagpaplanuhan ng Malaysia na magpatupad ng social media ban sa mga batang edad 16 pababa upang mabawasan ang kanilang access sa digital platforms.
Kaugnay din ito ng mga concern sa child safety gaya ng cyberbullying, financial scams, at child sexual abuse.

Naglabas ng lahar advisory ang Phivolcs dahil sa banta ng pagragasa ng lahar mula sa Bulkang Mayon kung lalakas ang ulan sa Albay dahil sa Bagyong Verbena.
Nagbabala rin ang DOTr na iwasan muna ang biyahe sa Kabikulan, habang inatasan ng PDRRMO Masbate ang mga lokal na DRRM na maghanda at mag-monitor sa epekto ng masamang panahon.

Agad na nagsagawa ng rescue operations ang local government unit ng Cagayan de Oro City dahil sa walang tigil na pag-ulang nararanasan sa buong lalawigan ng Misamis Oriental.

Malaking bahagi ng bansa ang magpapatupad ng suspensyon ng face-to-face classes at alternative modalities sa pag-aaral dahil sa epekto ng Bagyong Verbena.