Iginiit ni Meta CEO Mark Zuckerberg sa isang paglilitis sa Los Angeles na hindi idinisenyo ng kumpanya ang mga social media app nito upang pataasin o i-maximize ang oras na ginugugol ng mga user sa platform.
Sa pagdinig, kinuwestiyon ng abogado ng nagsampa ng kaso ang mga naunang pahayag ni Zuckerberg sa Kongreso noong 2024, at iniharap ang mga email mula 2014 at 2015 na nagpapakitang layunin noon ng Meta na pataasin sa double-digit percentage ang oras ng paggamit ng app.






















