Umakyat na sa quarterfinals ng Dubai Tennis Championships ang Pinay tennis star na si Alex Eala matapos nitong talunin si Sorana Cirstea ng Romania.
Muling nagpakitang-gilas ang Pinay tennis ace sa Center Court at nakaabante sa ikalawang set bago tuluyang tapusin ang laban.






















