Muling nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patuloy na gagawa ng paraan ang kanyang administrasyon upang maitaas ang posisyon ng mga guro bago pa man sila magretiro.
Kanina, personal niyang sinaksihan ang panunumpa sa tungkulin ng panibagong batch ng newly promoted teachers sa ilalim ng Expanded Career Progression System.






















