Back

UNTV News and Rescue

9:37
Crime & Investigation

LIVE INTERVIEW: Pagbuwag ng CICC sa illegal online gambling | March 5, 2026

March 6, 2026 2:40 PM
PST

Isa sa mga problemang binabaka ng pamahalaan ang operasyon ng illegal online gambling sa bansa na ipino-promote pa ng mga social media influencers, kaya't marami sa ating mga kababayan ang nahihikayat ng mga ilegal na sugal.  

Panoorin ang naging panayam kay Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Executive Director Usec. Aboy Paraiso.

1:28
Crime & Investigation

Pamilya Duterte, handa sa anumang magiging resulta ng kaso ni FPRRD sa ICC

March 6, 2026 2:36 PM
PST

Handa ang pamilya Duterte sa anumang magiging desisyon sa kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.  

Sa panayam kay Davao City Mayor Baste Duterte sa The Hague, The Netherlands, sinabi nito na handa ang kanilang pamilya, maging ang kaniyang ama, sa kahihinatnan ng kaso.

3:08
Politics

Rep. Edgar Erice, sinita umano ni Rep. Sandro Marcos dahil sa pamumuna niya kay PBBM

March 6, 2026 2:33 PM
PST

Sinita umano ni Presidential son at Congressman Sandro Marcos si Congressman Edgar Erice kasunod ng mga kritisismo nito sa administrasyong Marcos.  

Partikular na dito ang pamumuna nito sa naipasang bersyon ng Anti-Political Dynasty Bill sa House panel.

1:26
Crime & Investigation

NBI, iniimbestigahan ang mga paratang ng 18 nagpapakilalang dating Marines

March 6, 2026 2:30 PM
PST

Sinimulan na ng National Bureau of Investigation ang imbestigasyon sa mga alegasyon ng 18 nagpapakilalang dating miyembro ng Philippine Marine Corps kaugnay ng umano’y katiwalian sa pamahalaan.  

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, inatasan sila ng Office of the Ombudsman na magsiyasat sa nilalaman ng joint affidavit at sa pagkakakilanlan ng mga naglabas ng pahayag.

2:45
Crime & Investigation

National Security Adviser Sec. Eduardo Año, nanawagan sa 18 ex-Marines na magsabi ng totoo

March 6, 2026 2:27 PM
PST

Nananawagan si National Security Adviser Sec. Eduardo Año na magsabi ng buong katotohanan at huwag magpagamit sa mali ang 18 nagpapakilalang dating miyembro umano ng Philippine Marine Corps.  

Samantala, naghain na rin ng reklamo ang kalihim laban sa mga dating sundalo, kasama sina Attorney Levi Baligod at dating kongresista na si Mike Defensor.