Nananawagan si National Security Adviser Sec. Eduardo Año na magsabi ng buong katotohanan at huwag magpagamit sa mali ang 18 nagpapakilalang dating miyembro umano ng Philippine Marine Corps.
Samantala, naghain na rin ng reklamo ang kalihim laban sa mga dating sundalo, kasama sina Attorney Levi Baligod at dating kongresista na si Mike Defensor.






















