Sinimulan na ng National Bureau of Investigation ang imbestigasyon sa mga alegasyon ng 18 nagpapakilalang dating miyembro ng Philippine Marine Corps kaugnay ng umano’y katiwalian sa pamahalaan.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, inatasan sila ng Office of the Ombudsman na magsiyasat sa nilalaman ng joint affidavit at sa pagkakakilanlan ng mga naglabas ng pahayag.






















