Handa ang pamilya Duterte sa anumang magiging desisyon sa kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
Sa panayam kay Davao City Mayor Baste Duterte sa The Hague, The Netherlands, sinabi nito na handa ang kanilang pamilya, maging ang kaniyang ama, sa kahihinatnan ng kaso.






















