
Tinukoy ng House Justice Committee ang dalawang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte na 'sufficient in substance' o may sapat na batayan at pasok sa impeachable offense na nakasaad sa Konstitusyon.
Bibigyan naman ng kopya ng resolusyon at mga reklamo ang Bise Presidente at pinasasagot sa impeachment complaints sa loob ng sampung araw.

Tinatalakay ngayon sa Senado ang tugon ng mga ahensya ng pamahalaan para sa mga Pilipinong naiipit sa gulo sa Middle East.
Kasunod nito, ilang overseas Filipino workers o OFWs na ang direktang nananawagan ng tulong at saklolo sa gobyerno para sa kanilang seguridad.

Dumating na sa bansa ang unang batch ng mga Pilipinong ni-repatriate mula sa United Arab Emirates kaugnay ng pagsiklab ng kaguluhan sa Middle East.

Na-stranded sa Dubai ang labing-isang vice mayor mula sa Bulacan matapos bumiyahe sa United Arab Emirates noong nakalipas na linggo.
Pero ayon kay Department of the Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla na wala pa silang natatanggap na kahilingan mula sa mga opisyal para tulungan silang makauwi sa Pilipinas.

- Net Worth ni VP Sara Duterte, malaki umano ang itinaas
- DMW, pinag-aaralan ang land travel bilang paraan para sa repatriation ng OFWs sa Middle East
- Rep. Edgar Erice, sinita umano ni Rep. Sandro Marcos dahil sa pamumuna niya kay PBBM