
Isa sa mga posibleng humarap na testigo sa pagpapatuloy ng paglilitis sa mga kapwa akusado ni dating Congressman Zaldy Co sa Sandiganbayan ay si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
May kinalaman pa rin ito flood control project scandal.

Wala umanong sama ng loob ang tinanggal bilang House Senior Deputy Minority Leader na si Caloocan 2nd District Representative Edgar Erice, ngunit may puna ito sa posisyong hinahawakan ng mag-amang Ferdinand Marcos Jr. at Cong. Sandro Marcos.

Pinuna ni Vice President Sara Duterte ang aniya’y tila nakakabingi umano ngayon ang katahimikan ng civil society groups, religious leaders, at mga mambabatas sa isyu ng korapsyon sa gobyerno.

Pormal nang inihain ng women’s rights advocates ang ethics complaint laban kay Quezon City 4th district representative Bong Suntay.
Kasunod ito ng kontrobersyal na pahayag ng mambabatas na umano’y offensive para sa kababaihan.

Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos ang bagong Edsa Busway Kamuning Station.
Inakyat din ng pangulo ang bagong footbridge na magiging kapalit sa tinaguriang ‘Mount Kamuning’ Bridge.