
Pinalubog ng US submarine ang isang Iranian warship sa Indian Ocean, ayon kay US Defense Secretary Pete Hegseth.
Nauna nang sinabi ng Pentagon, isa sa pinakalayon ng US-Israeli war laban sa Iran, ay pahinain at tuluyang pabagsakin ang Iranian Navy.

Nagsasagawa ngayong araw ng Anti-corruption Workshop and Summit ang Department of Justice kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor upang mas mapalakas ang kampanya ng gobyerno kontra korapsyon.

Isinagawa ng Philippine Navy at Indonesian Navy ang unang bahagi ng Coordinated Patrol o CORPAT PHILINDO-40-2026 sa maritime border ng Pilipinas at Indonesia kahapon, March 4, 2026.

Tiniyak ni Public Works Secretary Vince Dizon na inaasikaso na nila ang mga reklamo sa Sumbong sa Pangulo website. Pinabulaanan din nito ang umano'y manipulasyon sa Transparency Portal ng DPWH.

Naghain ng reklamo sa Ombudsman ang isang transport group laban sa dating hepe ng Land Transportation Office.
Kaugnay ito ng paniningil umano ng 169 pesos na computer fee kada transaksyon sa LTO sa ilalim ng kaniyang pamumuno.