
Posibleng simulan na ang repatriation o pagpapauwi sa mga Overseas Filipino Worker sa Middle East, ayon sa Department of Migrant Workers.
Ayon sa ahensya, sisimulan ito kapag binuksan na ang airspace sa Gulf region.
Kaugnay nito, dumating na sa bansa ang unang batch ng mga Pilipino na stranded sa Dubai.

Tinalakay ngayong araw sa Senado ang plano ng mga ahensya ng pamahalaan para tugunan ang epekto ng tumitinding gulo sa Gitnang Silangan.
Puna ni Senator Raffy Rulfo, hindi umano matawagan ang emergency hotlines ng pamahalaan sa ilang lugar sa Middle East ayon sa ulat na nakakarating sa kanya.

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang paggiba sa tinaguriang “Mt. Kamuning” footbridge sa EDSA kasunod ng pagbubukas ng bagong pedestrian bridge na konektado sa MRT Line 3 at sa bagong EDSA busway Kamuning station.
Kanina, nag-inspeksyon ang Pangulo kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos upang personal na makita ang bagong footbridge at busway station na inaasahang magpapabuti sa daloy ng mga commuter.

- Kampo ni VP Sara, pinasasagot sa impeachment complaints sa loob ng sampung araw
- Hinahawakang posisyon ng mag-amang Marcos, may conflict of interest ayon sa isang mambabatas
- Iranian warship, pinalubog ng US submarine sa Indian Ocean

Sinuspinde ng siyamnapung araw ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ng kaskaserong driver ng isang SUV na nakuhanan sa isang viral na video.