
Tiniyak ng Department of Trade and Industry na sapat pa ang suplay ng mga pangunahing bilihin sa bansa sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa ahensya, may inventory ang mga manufacturer na aabot hanggang dalawang buwan kaya hindi inaasahan ang kakulangan sa suplay.

Pansamantalang itinigil ng bus company na Victory Liner ang kanilang free ride privilege bunsod ng labis na pagtaas ng presyo ng langis.
Sa isang pahayag, ipinaliwanag ng Victory Liner na ginawa nila ang hakbang upang mapanatili ang maayos at tuloy-tuloy na operasyon ng kanilang mga biyahe.

Tinitingnan ngayon ng Senado ang iba't ibang mga pamamaraan upang maibsan ang epekto ng nagbabadyaang krisis sa langis.
Ayon sa isang senador, maaaring magamit sa pagbibigay ng pinansyal na tulong ang calamity at contingency fund ng pamahalaan.

Abiso sa mga motorista:
Ipinatutupad ngayong araw ng Miyerkules, March 11, ang ikalawang araw ng staggered oil price hike sa presyo ng mga produktong petrolyo.

- Meralco, nilinaw na ang dagdag-singil sa kuryente ngayong Marso ay hindi epekto ng krisis sa Middle East
- Bersyon ng Kamara sa panukalang emergency powers kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng oil excise tax, aprubado na sa committee level
- Palugit ng Department of the Interior and Local Government sa pagsuko ng ibang suspek sa hazing incident sa Cavite, natapos na; iba pang sangkot, nangakong magpapakita bukas