
Muling nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng suporta mula sa mga bansa ng United Nations para sa kandidatura ng Pilipinas na maging non-permanent member ng UN Security Council para sa taong 2027 hanggang 2028.
Sa kaniyang talumpati sa special plenary session ng United Nations General Assembly sa New York, binigyang-diin ng Pangulo na handa ang Pilipinas na maging boses ng kapayapaan at maging tagapagtaguyod ng balance at diplomatikong kooperasyon sa pagitan ng mga bansa.

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay United States Undersecretary of War for Policy Elbridge Colby at kaniyang delegasyon sa New York, kung saan tinalakay nito ang mga hakbang para lalo pang mapatatag ang defense partnership ng Pilipinas at Amerika.

Nagbabala ang Department of Economy, Planning and Development o DepDev na maaaring lumampas sa target na 2% hanggang 4% ang inflation o antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Pilipinas dahil sa pagmahal ng langis.
Sa pagdinig sa House of Representatives, inilatag ni DepDev Secretary Arsenio Balisacan ang dalawang posibleng senaryo kung paano maaapektuhan ng tensyon sa Middle East ang ekonomiya ng bansa.

Isang Filipino seafarer ang napaulat na umano’y nawawala matapos na tamaan ng missile ang isang tugboat sa Strait of Hormuz.
Muli namang binigyang-diin ng Department of Migrant Workers na maaaring tumanggi ang mga Pilipinong tripulante kung sila ay ide-deploy sa tinaguriang "war-like operations areas".

Nilinaw ng mga oil companies na hindi agad bababa ang presyo ng petrolyo kahit ipatupad ang suspensyon ng excise tax.
Ayon sa kanila, mayroon pang existing inventory ng langis na nabayaran na ang buwis bago ang pagpapatupad ng bagong polisiya.