Back

UNTV News and Rescue

2:40
Politics

G7, pinag-uusapan ang paglabas ng oil reserve kasunod ng pangamba sa suplay ng langis

March 11, 2026 10:29 AM
PST

Nagtipon ang mga bansang kabilang sa Group of Seven o G7 countries upang talakayin ang posibleng mga hakbang para patatagin ang supply ng enerhiya habang nagpapatuloy ang digmaan sa Gitnang Silangan.

2:42
Politics

Spanish official, dismayado sa katahimikan ng German Chancellor sa pagbatikos ni Trump

March 11, 2026 10:29 AM
PST

Nagpahayag ng pagkadismaya si Spanish Deputy Prime Minister Yolanda Díaz kay German Chancellor Friedrich Merz dahil sa umano’y pananahimik nito habang tinutuligsa ni U.S. President Donald Trump ang Espanya sa isang pagpupulong sa White House noong nakaraang linggo.  

Ngunit giit ni Merz, pinili niyang hindi sumagot sa harap ng publiko upang hindi na lumala ang sitwasyon.

1:17
Politics

GPS jamming sa Strait of Hormuz, nagdudulot ng panganib sa mga barko

March 11, 2026 10:30 AM
PST

Sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East bunsod ng nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran, nakapagtala ng malawakang GPS jamming sa paligid ng Strait of Hormuz na nagdudulot ng kalituhan sa lokasyon ng mga barko.

2:20
Politics

Nakuhang impormasyon ng mga Pinoy na naaresto dahil sa espionage, hindi confidential o top secret

March 11, 2026 10:30 AM
PST

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na limitado lamang ang nakuhang impormasyon ng ilang Pilipino na naaresto kamakailan dahil hinihinalang pang-eespiya para sa China.  

Kabilang sa mga impormasyong sinusubukan nilang kunin ang pagkakakilanlan ng mga sundalong naka-deploy sa mga bahurang sakop ng West Philippine Sea.

1:51
Politics

Espionage ng China, isang global trend ayon sa Armed Forces of the Philippines

March 11, 2026 10:31 AM
PST

Inihayag ng Armed Forces of the Philippines na bahagi ng mas malawak na global trend ng espionage na iniuugnay sa China ang natuklasang pang-eespiya sa Pilipinas.

Ayon sa AFP, hindi isolated case ang natuklasang espionage activity dito sa bansa kung saan ilang Pilipino ang nahuli kamakailan na pinaghihinalaang nag-eespiya para sa China.