Tiniyak ng Department of Trade and Industry na sapat pa ang suplay ng mga pangunahing bilihin sa bansa sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa ahensya, may inventory ang mga manufacturer na aabot hanggang dalawang buwan kaya hindi inaasahan ang kakulangan sa suplay.






















