Pansamantalang itinigil ng bus company na Victory Liner ang kanilang free ride privilege bunsod ng labis na pagtaas ng presyo ng langis.
Sa isang pahayag, ipinaliwanag ng Victory Liner na ginawa nila ang hakbang upang mapanatili ang maayos at tuloy-tuloy na operasyon ng kanilang mga biyahe.






















