
Lalong lumala ang tensyon sa pagitan ng estado ng Minnesota at ng Federal government matapos barilin ng isang ICE agent ang isang babae na ikinasawi nito.
Ipinagtanggol ng administrasyon ni US President Donald Trump ang nasabing ahente, habang mariing kinondena naman ng mga lokal na opisyal ng estado ang insidente na nagbunsod ng malawakang protesta.

Kumpiramado na ang mga kaso ng superflu sa bansa, dahilan upang magpaalala ang isang eksperto sa publiko na maging mapagmatyag sa mga sintomas nito.

Mas mahigpit na mga kondisyon ang ipinataw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglalabas ng pondo sa ilalim ng P6.793-T pambansang budget ngayong taon, ayon sa Department of Budget and Management.
Saklaw nito ang mga bagong programa at mga budgetary adjustment na ipinasok sa panahon ng congressional deliberations upang matiyak ang mas maingat at responsableng paggastos.

Muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng maayos at responsableng paggamit ng artificial intelligence sa edukasyon at ang integrasyon nito sa pagtuturo.
Gayunman, nagpaalala ang Pangulo na hindi dapat palitan ng AI ang pagkamalikhain, kritikal na pag-iisip, at determinasyong matuto ng mga estudyante sa gitna ng patuloy na paglaganap ng teknolohiyang ito.

Itinanggi ni Senate President Vicente Sotto III na magagamit ang mga programang pang-ayuda ng gobyerno upang itulak ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Tinawag din niyang unfair at walang basehan ang alegasyong may soft pork barrel pa rin sa 2026 national budget.
Samantala, nananatiling tiwala ang Senate leadership na papabor ang Supreme Court sa Unprogrammed Appropriations sa kabila ng hiling na ideklarang unconstitutional ang mga ito.