Nilinaw ng Office of the Vice President (OVP) na wala silang programang nagbibigay ng cash assistance.
Ginawa ng tanggapan ng Pangalawang Pangulo ang paglilinaw kaugnay ng kumakalat na pekeng impormasyon online tungkol sa umano’y cash assistance na ibinibigay ng OVP at ni Vice President Sara Duterte.






















