Back

UNTV News and Rescue

1:12
Politics

DOTr, ipinahinto ang pagkumpiska ng driver’s license ng mga nahuhuling motorista

January 9, 2026 8:00 PM
PST

Ipinag-utos ni Transportation Secretary Giovanni Lopez sa Land Transportation Office (LTO) ang agarang pagsususpinde sa pagkumpiska ng driver’s license ng mga motoristang nahuhuli sa traffic violations.

Ayon sa DOTr, bahagi ito ng hakbang para ayusin ang mga proseso sa panghuhuli at paghawak ng lisensya ng mga lumalabag sa batas-trapiko.

0:55
Politics

SP Sotto, hindi hihikayatin na magpakita si Sen. Bato sa Senado

January 9, 2026 8:01 PM
PST

Hindi pipilitin o hihikayatin ni Senate President Vicente Sotto III si Senator Ronald "Bato" Dela Rosa na pumasok sa Senado.

Ayon kay SP Sotto, gumagana naman ang mga tanggapan sa Senado at may quorum naman sila.

6:07
Crime & Investigation

Fil-Am na si Chantal Anicoche, sumasailalim sa psychosocial intervention – AFP

January 9, 2026 8:02 PM
PST

Hustisya ang hiling ng mga magulang ng mga estudyanteng nasawi at nawala matapos ang engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at New People's Army sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro nitong unang araw ng Enero.

Nais din ng mga magulang na panagutin ang mga nag-recruit at humimok sa kanilang mga anak na mamundok.

Samantala, sumasailalim ngayon sa psychosocial intervention ang Filipina-American na si Chantal Anicoche na natagpuan ng mga sundalo sa lugar ng engkwentro.

3:48
Politics

Mamahaling sasakyan na pag-aari ni Co at ng kanyang kumpanya, ilegal na kinumpiska - Atty. Rondain

January 9, 2026 8:02 PM
PST

Wala umanong search warrant ang mga pulis upang kumpiskahin ang mga mamahaling sasakyan na pagmamay-ari ni dating Rep. Zaldy Co at ng kanyang kumpanyang Sunwest Incorporated.

Kaya ayon sa kampo ng dating mambabatas, magsasampa sila ng reklamo laban sa mga pulis na nagsagawa ng pagkumpiska.

Iginiit naman ng pulisya at ng Bureau of Customs na may dalang search warrant at binigyan pa ng kopya nito ang dumating na mga abogado ni Zaldy Co.

4:12
Health & Lifestyle

Mga pasyente na nangailangan ng atensyong medikal sa Traslacion, higit 1,000 na

January 9, 2026 8:04 PM
PST

Umabot sa mahigit 1,000 ang naulat na pasyente ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office sa ginaganap na Traslacion ngayong araw.

Samantala, isa-isa ring binubuksan sa trapiko ang mga isinarang kalsada para sa taunang pagtitipon.