Kaalinsabay ng pagdiriwang ng International Day of Happiness, lumabas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na mayorya ng mga Pilipino ang nananatiling masaya sa kabila ng mga hamon ng buhay.
Ayon sa survey, 83% o walo sa bawat sampung Pilipino ang nagsabing masaya sila, kung saan 33% ang very happy at 50% naman ang fairly happy.






















