
Umapela ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga PUV driver na huwag dumagsa sa payout ng cash assistance sa susunod na linggo.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nagtakda na ang ahensya ng iskedyul ng pamamahagi ng ayuda upang maging maayos at organisado ang payout.

– Netanyahu, inaming sariling desisyon ang pag-atake sa south pars gas field
– Impeachment hearings vs VP Sara, posibleng bumilis kung 'di sisipot ang respondent — Luistro
– U.N. sa Iran, U.S.-Israel: Itigil na ang giyera bago mauwi sa matinding trahedya

Tuloy ang pagpapadala ng bansang Mexico ng supply ng langis at iba pang humanitarian aid sa bansang Cuba sa kabila ng oil blockade at sanction na ipinataw ni U.S. President Donald Trump sa nasabing bansa.

Magandang balita sa mga motoristang dumaraan sa North Luzon at South Luzon Expressways.
Magpapatupad ng diskwento sa toll rate ang ilang expressway para sa mga pampublikong sasakyan simula sa Lunes, March 23.
Bahagi ito ng mga hakbang ng gobyerno at pribadong sektor upang ibsan ang epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Nagpa-abot ng tulong ang Philippine Coast Guard sa mga mangingisda sa Mariveles, Bataan bilang bahagi ng kanilang maritime patrol.
Isang bagong training center naman ang binuksan sa Iloilo na magbibigay tulong para sa Persons Deprived of Liberty o PDLs at sa kanilang pamilya.