Magandang balita sa mga motoristang dumaraan sa North Luzon at South Luzon Expressways.
Magpapatupad ng diskwento sa toll rate ang ilang expressway para sa mga pampublikong sasakyan simula sa Lunes, March 23.
Bahagi ito ng mga hakbang ng gobyerno at pribadong sektor upang ibsan ang epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan.






















