Umapela ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga PUV driver na huwag dumagsa sa payout ng cash assistance sa susunod na linggo.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nagtakda na ang ahensya ng iskedyul ng pamamahagi ng ayuda upang maging maayos at organisado ang payout.






















